Magsasagawa ng konsultasyon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga mamamayan, local government units at sa mga lider ng simbahan sa Mindanao upang mabatid ang kanilang saloobin sa umiiral na Martial Law.
Ayon Kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ngayong Nobyembre ay mag-iikot sa Mindanao ang AFP, bago mapaso ang umiiral na extensyon ng Batas Militar sa katapusan ng taon.
Sinabi ng kalihim na ang mga makakalap nilang impormasyon ay makakatulong aniya sa kanilang magiging rekomendasyon sa Pangulo para sa possibleng panibagong extension ng Martial Law.
Sinabi ni Lorenza na ang isyung ito ay napag-usapan kagabi sa pagpupulong ng Security cluster ng kabinete kasama ang PNP sa Cebu kahapon.
Magugunitang una nang inihayag ng Palasyo na ang possibleng pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao ay magiging depende sa rekomendasyon ng AFP at PNP.
Ayon Kay Lorenzana sa ngayon ay wala pa silang rekomendasyon sa Pangulo, pero meron aniyang mga balidong rason para i extend ito.