-- Advertisements --

fuga3

Magtatayo ang AFP ng Defense Facility sa Fuga island, ang pangalawang pinaka-hilagang isla ng Pilipinas na bahagi ng babuyan archipelago.


Ayon kay Philippine Navy Flag-Officer-in-Command (FOIC) Vice Admiral Carlo Giovanni Bacordo, kabilang sa itatayo sa nasabing isla ang sheltered pier, naval station at ang 20 ektaryang Littoral Monitoring station.

Layon nito para mabantayan ng husto ang hilagang teritoryo ng bansa.

Mahalaga ang Fuga island dahil sa Air strip nito at lokasyon na malapit sa mga fiber-optic cables sa karagatan na ginagamit sa internet at komunikasyon na nag-uugnay sa Pilipinas sa mainland Asia.

fuga

Noong nakaraang linggo ay nakumpleto na ng Naval Forces Northern Luzon (NFNL) ang marine detachment sa lugar.

Ang seremonya ay pinangunahan ni Col Simplitius Adecer PN (M), ang Deputy Commander for Marine Operations ng NFNL, at Commander ng Naval Task Force 12 (NTF 12).

Patuloy din ang pagtatayo ng Northern Luzon Command (NOLCOM), NFNL, at Philippine Coast Guard ng mga Flag markers at light house sa mga isla ng Cagayan, Batanes, at Babuyan Group of Islands para ma-secure ang maritime at sovereign territory ng bansa.