Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines na mananatili ang kanilang pagsasagawa ng monitoring sa Chinese AI model na DeepSeek.
Ito ay matapos ang naging pahayag at pangamba ng mga international bodies kung saan sinabi nito na mayroong isyu sa seguridad ang naturang AI Model.
Kung maaalala, ipinagbawal na sa bansang Australia at Taiwan ang paggamit ng naturang Chinese AI model dahil sa pangambang makompromiso ang kanilang mga sensitibong impormasyon.
Sa isang pahayag ay sinabi ni AFP Spokesperson Colonel Francel Padilla, kanilang tinututukan ang national security ng bansa.
Tiniyak rin ng opisyal na ang lahat ng mga teknolohiyang ginagamit ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay alinsunod sa mahigpit na data security standards.
Handa rin sila na sumunod sakaling ipag-utos ng gobyerno ang pagbabawal sa paggamit ng nasabing Chinese AI model.