-- Advertisements --

foic

Nagpahayag ng supporta ang Philippine Army, Navy at Air Force sa pagpapawalang bisa ng Department of Defense sa kasunduan nito sa University of the Philippines na nagbabawal sa pagpasok ng mga pulis at sundalo sa unibersidad ng Walang paalam.

Sa isang statement, sinabi ni Phil. Army Commanding General Lt. Gen. Cirilito Sobejana na ang UP compound ay bahagi ng public domain at hindi dapat pinipigilan ang mga sundalo na gampanan ang kanilang tungkulin sa loob ng campus.

Kasabay nito, nanawagan si Sobejana sa mga mag-aaral na magtiwala sa militar bilang kanilang protektor.

PAF

Ayon naman kay Philippine Air Force Spokesperson Lt.Col. Aristides Galang, naniniwala ang pamunuan ng AirForce na Hindi paglabag sa academic freedom ang hakbang ng DND, dahil malaya parin ang UP na pumili Kung sino ang magtuturo, ano ang ituturo, Paano ituturo, at Kanino ituturo.

Sa panig naman ng Philippine Navy, sinabi ni Navy Spokesperson Commander Benjo Negranza, na ginawa ng DND ang hakbang “in good faith” na ang layon Lang ay mapangalagaan ang kaligtasan ng mga kabataan.