Aminado ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagkaroon ng lapses na naging dahilan ng madugong misencounter sa pagitan ng mga sundalo at mga pulis sa Sta. Rita, Samar nitong Lunes.
Ayon kay AFP Public Affairs Office (PAO) chief Col. Noel Detotayo, ang pagkamatay ng anim na pulis habang siyam ang sugatan ay malinaw na indikasyon na nagkaroon ng pagkukulang.
Kaya aniya, sisiyasatin ng joint investigating team ng AFP at PNP kung sino at saan nagkaroon ng pagkukulang.
Sa ngayon, gumugulong na umano ang imbestigasyon para mabatid kung ano ang punot dulo ng madugong insidente.
Tiniyak ni Detoyato na magiging transparent at walang cover-up sa gagawing imbestigasyon.
Ipinaabot naman ni AFP chief Gen. Carlito Galvez ang kaniyang pakikiramay sa mga kaanak ng mga asawing pulis.
Sa kabilang dako, inamin ni 8th Infantry Division Commander MGen. Raul Farnacio na hindi naging pormal ang ginawang koordinasyon ng PNP sa militar at hindi rin umano nagsabi ang mga ito na papasok sila sa area.
Ayon sa heneral, limang araw nang nagsasagawa ng operasyon ang tropa ng 87th Infantry Battalion sa lugar laban sa mga kasapi ng New People’s Army.