-- Advertisements --

Mayroon ng guidelines na binuo ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay sa idineklarang martial law sa Mindanao.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo na isinasapinal na nila ang nasabing guidelines na siyang magiging basehan o gabay ng mga sundalo sa panahon ng batas militar.

Inaantabayanan na lamang ng AFP ang kabuuang detalye ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kabilang dako, hinihintay pa sa ngayon ng Philippine Army ang guidelines na ibaba ng general headquarters ng Armed forces of the Philippines (AFP) kaugnay sa idineklarang martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Phil Army Spokesperson Lt Col. Ray. Tiongson na may draft ng ginagawa kagabi ang GHQ at kapag natapos na ito ay siyang ipamamahagi sa mga field units.

Sinabi ni Tiongson na sa nasabing guidelines nakapaloob dito kung paano mag mando ng checkpoints ang mga sundalo.

Tiniyak nito na susunod ang militar sa kung anuman ang nakapaloob sa guidelines.

Pagtiyak ni Tiongson na irerespeto ng militar ang human rights.

Kanilang titiyakin na secured ang mga local communities laban sa pag-atake ng mga teroristang grupo.

Sa pagpapatupad naman ng checkpoints ay kanilang sisiguraduhin na hindi makakapuslit ang mga terorista lalo na ang Maute.