Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mayruon ng nakalatag na mga hakbang sakaling manggulo ang China sa nagpapatuloy na Joint RP-US Balikatan Exercises 2024.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad na may mga nakalatag ng mga security measures sakaling magpakita ng delikadong aksiyon ang mga barko ng China sa isinasagawang war games.
Hindi naman idinitalye ni Trinidad ang mga nasabing hakbang na kanilang gagawin.
Una ng kinumpirma ni Western Command Spokesperson Col. Ariel Coloma na nakadikit ng 3-4 nautical miles ang barko ng China sa mga barko ng Pilipinas at US na may 50 nautical miles ang layo mula sa Palawan.
Sinabi ni Coloma na umaga pa lamang kahapon ng Sabado, April 27,2024 namataan na ang Chinese navy ship sa West Philippine Sea.
Subalit hindi nagpatinag ang patrol vessel na BRP Ramon Alcaraz na hindi alintana ang tila nakabantay na Chinese navy vessel.
Hindi rin nagbigay ng radio challenge sa kanya ang Philippine Navy maliban na lang kung malalagay sa peligro ang kaligtasan ng mga naglalayag na barko.