-- Advertisements --

AFP

Nasa P40 billion na pondo ang matatanggap ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa kanilang military’s capability-building procurement projects o ang modernization program para sa fiscal year 2023.

Ito ang kinumpirma ni Surigao Del Sur Rep. Johnny Pimentel dapat mapagtuunan ng pansin ang modernisasyon ng Philippine Navy at Philippine Marine Corps.

Ayon kay Pimentel, bilang isang archipelagic nation, lantad ang Pilipinas mula sa mga bantang panlabas na nagmumula sa karagatan.

Inihalimbawa pa ni Pimentel nito ang hamon para sa bansa na bantayan at igiit ang sovereign rights sa West Philippine Sea.

Sa ilalim ng AFP Modernization Program, palalakasin ang hanay ng Sandatahang Lakas sa pamamagitan ng capacity building procurement projects tulad ng pagbili ng bagong mga kagamitan.

Nitong Disyembre, lumagda ang Department of National Defense (DND) ng P28 billion contract kasama ang isang Korean company para sa pagbili ng dalawang bagong corvette na may anti-ship, anti-submarine at anti-aircraft mission.

Habang ngayon taon bumili ang Pilipinas sa India at Korea ng shore-based supersonic ramjet missile batteries at 94.4-meter offshore patrol vessels.

” There’s P40 billion in programmed appropriations for the AFPMP in next year’s plus P5 billion in unprogrammed appropriations,” pahayag ni Pimentel.