-- Advertisements --

Muling pinagtibay ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang pangako na tumulong sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.
Patunay dito ang pinirmahang Memorandum of Agreement (MOA) ng AFP at PDEA nuong buwan pa ng Pebrero ng kasalukuyang taon.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Marine Colonel Edgard Arevalo na ang AFP ay palaging support role sa PDEA, Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) sa anumang ilulunsad na operasyon laban sa iligal na droga.

Sinabi ni Arevalo na nakahanda din ang militar na pangunahan ang anumang illegal drug operations kapag itoy hiniling sa kanila.

Sa kabilang dako, ayon kay AFP chief of staff Gen. Eduardo Ano, na ang AFP ay naging significant force provider sa anti-illegal drugs operations lalo na sa mga conflict-affected areas, partikular sa mga lugar na may problema sa insurgency, secessionism, at terrorism.

Pinalawak din ng AFP ang kanilang Joint Counterintelligence Task Force (JCTF) NOAH, na isang ad hoc unit na binuo at mandated ng AFP para magsagawa ng drugs-related counterintelligence operations.

Sinabi ni Ano na tumutulong ang NOAH sa iba pang law enforcement agencies sa identification, investigation, at neutralization ng mga indibidwal na sangkot sa paggamit, pagbebenta, manufacture, at distribution ng illegal drugs.