-- Advertisements --

Muling pinagtibay ng Armed Forces of the Philippines ang katapatan nito sa administrasyong Marcos Jr.

Ito ang binigyang-diin ng Hukbong Sandatahan kasunod ng mga panibagong pag-usbong ng ouster call laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

May kaugnayan pa rin ito sa naging panawagan ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez sa AFP at PNP na bawiin na ang suporta ng mga ito kay Pangulong Marcos Jr. nang dahil sa umano’y kawalan nito ng kakayahan na tugunan ang lumalalang isyu sa West Philippine Sea.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, patuloy na sumusuporta ang buong Sandatahang Lakas sa konstitusyon at tapat na pagsunod sa Chain of Command.

Kasabay nito ay siniguro rin niya na committed ang buong Hukbong Sandatahan sa pagpapanatili ng kapayapaan sa buong bansa sa pamamagitan na rin ng mas maiging na pagbabantay at pagtataguyod sa soberanya at territorial integrity ng Pilipinas.