-- Advertisements --

Nababahala ngayon ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippine matapos na umabot na sa limang submersible drone na nakuha sa ilang karagatan na sakop ng Pilipinas.

Pinakahuli dito ang submersible drone na narekober sa San Pascual, Masbate noong nakalipas na taon.

Batay sa naging inisyal na pagsusuri ng mga otoridad, napag-alaman na mula ito sa China matapos ang nakitang Chinese markings sa katawan nito.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, pang lima ang nakuhang drone sa lalawigan ng Masbate.

Aniya, unang nakakuha ng ganitong uri ng submersible drone sa Calayan Island sa Cagayan at isa sa Ilocos Norte bukod pa ang nakuhang kaparehong bagay sa Misamis Occidental sa Mindanao.

Ayon sa mga otoridad, patuloy ang pagsasagawa ng forensic analysis sa mga nakuhang underwater drone na pinaniniwalaang ginagamit sa mga military application ng China.