-- Advertisements --
santos1

Tinanggap ni AFP Chief of Staff General Felimon Santos Jr., ang donasyon mula kay retired Major General Robert Arevalo, AFPMBAI President and CEO, sa simpleng seremonya sa Camp Aguinaldo kahapon.


Nasa P14.1 milyong pisong halaga ng donasyong sasakyan ang tinanggap ng Armed Forces of the Philippines mula sa Armed Forces and Police Mutual Benefit Association Inc. (AFPMBAI).

Ang donasyon ay binubuo ng isang minibus, limang vans, at apat na multi-purpose vehicles.

santos2

Nagpasalamat si Gen. Santos sa AFPMBAI sa donasyon na gagamitin ng AFP General Headquarters at Philippine Army, na aniya ay mahalaga para sa mobility at logistics operations ng AFP.