-- Advertisements --
Naghigpit ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga tauhan nila sa paggamit ng mga artificial intelligence (AI) bots.
Kasunod ito sa national security concern mula sa bagong AI application ng China.
Ayon kay Brigadier General Constancio Espina III ang commander ng Communication, Electronics and Information Systems Service (CEISSAFP) ng AFP, na maaring makakuha ng mga maselang impormasyon ang nasabing AI bots kaya sila naghigpit.
Gaya aniya ng Taiwan ay ipagbabawal din nila ang paggamit ng nasabing AI bot na galing sa China.