Nagawang i-challenge ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang apat na warship ng Peoples Liberation Army ng China matapos namataan ang mga ito sa may bahagi ng Balabac, Strait sa Palawan nuong June 19,2024.
Ito ang kinumpirma ni AFP PUblic Affairs Office Chief, Col. Xerxes Trinidad.
Sinabi ni Trinidad na ang kakayahan ng militar na imonitor at rumisponde sa nasabing aktibidad at patunay sa kanilang commitment sa maritime domain awareness at protektahan ang ating teritoryo, soberanya at ang sovereign rights ng bansa
Siniguro ng AFP na mananatili silang alerto sa pagbibigay seguridad sa ating teritoryo lalo na sa West Philippine Sea.
Batay sa ulat ng AFP, namataan ang apat na Chinese warships na bumabaybay sa loob ng 12 nautical miles sa Palawan.
Sinabi ni Trinidad, tumugon naman ng maayos ang apat na Chinese warships.
Inihayag ni Trinidad na dalawa sa nasabing warships ang PLAN destroyer Luyang III at ang frigate Jiangkai na tumatakbo ng 13 knots at patungong Southwest.
Habang ang dalawang iba pang warships ang destroyer Renhai (CG-105) at ang replenishment oiler Fuchi (AOR-907), ay namataan bandang alas 3:56 ng hapon patungo sa direksiyon ng southwest din.
Ang nasabing lugar ay karaniwan ng ginagamit ng international vessels sa kanilang paglalakbay.