-- Advertisements --
pcg 1

Nagbabala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa China Coast Guard (CCG) na itigil ang pakikialam sa kanilang rotation and resupply (RoRe) missions sa BRP Sierra Madre na nakadaong sa Ayungin Shoal at iwasang gawin ang anumang aksyon na magsasapanganib sa buhay ng mga tao.

Sa isang pahayag, ipinahayag ng AFP ang kanilang pangako na patuloy na magsagawa ng mga RoRe mission sa BRP Sierra Madre dahil tungkulin nitong tiyakin ang kapakanan ng mga tauhan nito.

Hindi naman umiimik ang tagapagsalita ng AFP na si Col. Medel Aguilar sa mga detalye nito tungkol sa susunod na RoRe mission ng AFP sa Ayungin Shoal.

Kung matatandaan, noong Agosto 5, ang BRP Sierra Madre ay muling pumutok sa mga balita matapos magpaulan at gumamit ng water cannon ang chinese coast guard sa isang misyon ng Pilipinas upang muling i-supply ang mga tauhan nito na nakatalaga sa Ayungin Shoal.