-- Advertisements --

Nagbabala ang AFP sa mga job seekers na mag-ingat sa pekeng trabaho mula sa dayuhan na maaaring sangkot sa espiya.

Ito ay matapos maaresto ng NBI ang dalawang Chinese at tatlong Pilipino na gumagamit ng international mobile subscriber identity (IMSI) catchers para maniktik sa Malacañang, Camp Aguinaldo, at iba pang pasilidad ng gobyerno.

Ayon sa AFP, unang napansin ang “abnormal cell tower behavior” sa kanilang kampo, kaya’t agad nilang inimbestigahan ang insidente.

Patuloy na tinutukoy ng AFP at NBI ang epekto nito sa pambansang seguridad at posibleng koneksyon sa iba pang naarestong Chinese spies.