-- Advertisements --

Inamin ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner na sinusubukan pasukin ng China ang iba’t ibang sektor ng bansa gaya ng edukasyon, negosyo maging ang media.

Ito ang inihayag ni Brawner matapos mabatid ang nasabing impormasyon.

Ayon kay Brawner sinusubukang impluwensyahan ng umano’y ‘united front works’ ng China ang Pilipinas na layon guluhin ang bansa.

Kaya panawagan ng Heneral sa publiko na maging mapagmatyag sa ganitong hakbang.

Sa ngayon hindi lamang ang external defense force ang tinututukan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas kundi maging sa loob ng ating bansa.

Ito ay bahagi ng updated territorial defense plan ng AFP na kanilang iprinisinta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.