-- Advertisements --

Nagbigay-pugay ang Armed Forces of the Philippines sa kagitingan at sakripisyo ng mga bayani ng ating bansa kasabay pagdiriwang ng National Heroes’ day ngayong araw.

Sa isang statement, nakiisa ang Hukbong Sandatahan ng Pilipinas sa buong bansa sa pag-alala sa kagitingan at mga sakripisyo ng ating mga bayani.

Ang kanilang hindi matatawarang katapangan at dedikasyon aniya ang naging daan para sa kalayaan at kaunlarang ating tinatamasa sa kasalukuyan.

Kasabay aniya ng pagalala sa kanilang iniwang legasiya, nawa’y muli aniyang mapanumbalik ang kanilang pangako na protektahan at paglingkuran ang ating minamahal na bansa nang may diwa ng katapangan at pagkamakabayan.