Nagbigay pugay ang Armed Forces of the Philippine (AFP) sa legasiyang iniwan ng mga yumaong sundalo na nagbuwis ng kanilang buhay para mapanatili ang kapayapaan at kalayaan ng bansa.
Sa isang mensahe mula sa AFP para sa pag-obserba ng Undas, hinikayat ng military ang mga Pilipino na alalahanin ang buhay ng mga namayapa na. Inihayag din ng militar na nawa’y magdala ang paggunitang ito ng kapayapaan at pagninilay sa mga pamilya ng mga yumaong sundalo at mabigyang pagpupugay ang lahat ng mga nasilbi at promotekta sa ating bansa.
Hinimok din ng AFP ang mga Pilipino na panatilihing buhay ang ala-ala ng mga namayapang sundalo na ipinagpatuloy ang pagsisilbi nang may dedikasyon at pagtibayin pa ang kanilang legasiya ng katapangan.
Una rito, nitong bisperas ng All Saint’s day, binigyang pugay din ng Philippine Army kasama ang grupo ng Boy Scout at Girl Scout, ang mga yumaong bayani, pumanaw na dating Pangulo ng Pilipinas, mga kasundaluhan, dating state leaders at national figures sa isinagawang flaglet-setting at candle-lightning ceremony sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig city.