-- Advertisements --

Lubos na nalulungkot at nagdadalamhati ngayon ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagkamatay ng 11 nilang kasamahan sa nangyaring friendly fire kahapon ng tanghali sa Marawi City.

Ayon kay AFP spokesperson BGen. Restituto Padilla lubos silang nalulungkot sa insidente at siniguro na hindi na mauulit pa ang ganitong aksidente.

Sinabi ni Padilla na mismong si AFP chief of staff General Eduardo Año ay nais mabatid ang katotohanan sa pagpalya ng ika apat na air strike na tumama sa mga sundalo.

Sa ngayon isa-isa na umanong ipinapaalam sa mga kamag-anak ng 11 sundalo na nasawi sa friendly fire.

Tiniyak ng AFP na lahat ng tulong ay kanilang ibibigay sa mga kaanak ng mga sundalong nasawi maging sa nangyaring labanan.