-- Advertisements --

Naghihintay na lamang ngayon ng “go signal” mula sa pamahalaan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para umpisahan na ang kanilang pagpapatrolya at gagawing mapping survey sa Benham Rise.

Ayon kay AFP Spokesperson BGen. Restituto Padilla na nakahanda ang militar na tumugon sa kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte na magsagawa ng survey sa Benham Rise na sakop ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Sinabi ni Padilla na mayroong kakayahan ang Armed Forces of the Phippines (AFP) na magsagawa ng mapping survey sa Benham Rise.

Pahayag ni Padilla na ilan sa mga barko ng Philippine Navy ay may kakayahan na gumawa ng mapping survey habang ang ilang mga aircraft ng Philippine Air Force (PAF) may kakayahan magsagawa ng aerial survey.

Nilinaw din ni Padilla na hindi lamang ang AFP ang may kakayahan na gumawa ng survey at pag aaral sa nasabing lugar kundi maging ang ilang mga ahensya ng pamahalaan.

Aniya, ang mga ahensya ng pamahalaan na may kakayahan ay pwedeng magsanib pwersa.