Matagumpay na inilagay ng militar ang sovereignty marker sa Panggungan Island, Barangay Datu Baguinda Puti, Sitangkai, Tawi-Tawi.
Ito ay sa pangunguna ng Joint Task Force Tawi-Tawi/Naval Task Group Tawi-Tawi/2nd Marine Brigade sa ilalim ng pamumuno ni Brigadier General Romeo Racadio.
“Establishing a sovereignty marker in the island is a way of exercising the state’s power in demonstrating its lawful ownership to its territory and all the inhabitants living in the said island. It is a way of imparting the residents’ mindset of the equal entitlement of their right and protection as mandated in the Philippine Constitution,” pahayag ni BGen Racadio.
Ang Panggungan Island ay ang pinakaliblib na isla sa munisipalidad ng Sitangkai, Tawi-Tawi at tahanan ng 252 Sama-Bajau tribe.
Nasa marginal area ng Pilipinas, Malaysia, at Indonesia ang isla na dating pinagtataguan ng Abu Sayyaf Group at iba pang lawless criminals/smugglers hanggang sa makubkob ng Philippine Marines noong Abril 2017.
Siniguro naman ng provincial government ng Tawi-Tawi ang kanilang suporta sa paglalagay ng sovereignty marker sa mga pinaka-liblib na lugar ng kanilang probinsiya.
Samantala, isang All-in-One Mission din ang ginawa kabilang ang pamamahagi ng food packs at relief goods, clean-up drive, pagtatanim ng niyog, counselling sessions para sa mga kababaihan, kabataan at nakatatandang Badjao at iba pang serbisyo.