Tumulong sa pamamahagi ng mga 2,000 digital devices sa mga paaralan sa buong bansa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang parte ng Computerization Program ng Department of Education (DepEd).
Pinangunahan ni Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang pag-transport ng mga laptops, telebisyon, at iba pang digital tools mula sa warehouse ng Carmona, Cavite patungo sa Region 7, CARAGA, at Region 10. Sa pagsasanib pwersa ng dalawang ahensya, mas mapapalakas ang digital education sa mga pampublikong paaralan sa bansa.
Sinabi naman ng DepEd na patuloy sila sa pagpapabot ng tulong sa mga paraalang nangangailangan ng mga ganitong klase ng equipment. Nauna na dito ay isinasaayos na din ang mga isyu sa logistics na nagiging dahilan ng delays dahil sa warehousing issues noong 2020 at 2021.
Samantala, noong Setyembre 3, idineklara ni Education Secretary Sonny Angara na nasa P1.5 milyon halaga ng mga laptops at iba pang kagamitan na pang edukasyon ang nasayang sa mga nasabing taon.
Nagpasalamat ang opisyal sa AFP sa pagpapaabot ng knilang tulong na maipamahagi ang mga materyales ng mabilis at ligtas.