Nagpahayag ng pagkabahala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) hinggil sa umano’y deployment ng China’s Peoples Liberation Army Navy Shandong Carrier Strike group sa Philippine Sea.
Ito ang unang deployment ng nasabing Chinese carrier ngayong taon sa labas ng South China Sea.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, kanilang binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa rehiyon.
Dahil dito, sinabi ni Padilla na kanilang hinihimok ang lahat ng partido na sumunod sa international laws, partikular ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Siniguro din ni Padilla na ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay nakatuon sa pangangalaga sa mga interes sa pandagat at pagtiyak sa teritoryo ng ating bansa sa pamamagitan ng patuloy na pagbabantay.
Batay sa ulat, ang Joint military exercise ng China’s Peoples Liberation Army Navy at Russia kasama ang corvettes ay kasalukuyang nag-ooperate sa Philippine Sea.
Kabilang umano sa nasabing training ay ang inspection sa mga kahina hinalang mga barko.
Ang Joint Patrol ng China at Russia ay isang taunang aktibidad na nagsimula nuong 2021.
Sa kabilang dako, inihayag ni AFP Chief of Staff Gen. Romero Brawner na mahigpit nilang mino monitor ang nasabing aktibidad sa pagitan ng China at Russia sa Philippine Sea.