Nagpapasalamat ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtanggap sa kanilang rekumendasyon na huwag magdeklara ng holiday truce sa CPP NPA.
Ayon kay AFP spokesperson Major General Edgard Arevalo na ikinatutuwa nila ang naging desisyon ng Pangulo.
Nilinaw naman ni Arevalo, na ang kanilang rekomendasyon ay hindi ibig sabihin na ayaw nila ng kapayaan.
Sa katunayan aniya, ang gusto ng AFP ay pangmatagalang kapayapaan.
Binigyang-diin ni Arevalo na base sa umano sa kanilang karanasan, sinasamantala ng mga terorista ang holiday ceasefire at ginagamit ang pagkakataon para atakehin ang mga sundalo na nagsasagwa ng humanitarian at peace and development missions.
Maliban dito, tuloy pa rin ang mga terorista sa pangingikil at paggawa ng krimen tulad ng pagpatay at panununog.
Ginagamit din ng NPA ang peace talks para makapag-regroup, at makapag-recruit ng mga bagong miyembro.
Samantala, pabor ang Philippine National Police (PNP) sa hindi pagdeklara ng “holiday truce” sa CPP NPA.
Ayon kay PNP chief Gen. Debold Sinas suportado nila ang naging pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte, in place pa rin ang kanilang mga tropa na nasa defensive mode.
Tuloy pa rin ang kanilang operasyon laban sa mga terorista.