-- Advertisements --

Mahigpit na ipinatupad ngayon ng militar ang “fishing lockdown” sa Lanao Lake, itoy matapos lumabas ang report na ginagamit ng teroristang Maute bilang escape route ang nasabing ilog.

Ayon kay Joint Task Force Marawi spokesperson Capt. Joann Petinglay na mahigpit na ipinagbabawal ang pangingisda mula alas-5:00 ng gabi hanggang alas-6:00 ng umaga.

Ang Lanao Lake ay may lawak na 340 square kilometers.

Sinabi ni Petinglay na kung may papasok o lalabas dadaan pa rin ang mga ito sa mga bayan kayat hiling ng militar sa mga alkalde at maging sa mga constituents na makipag tulungan sa militar ng sa gayon matugunan ang nasabing isyu.

Una rito umalma ang mga mangingisda sa ipinatupad na fishing lockdown ng militar dahil siguradong maaapektuhan ang kanilang pamumuhay.

Samantala, layon din ng pagpapatupad ng militar ng “fishing lockdown” ay para maiwasan na may mga indibidwal na mag reinforce sa mga teroristang Maute na patuloy na nakikipaglaban sa militar.