Naka-alerto ang Armed forces of the Philippines (AFP) kahit walang na-monitor na anumang malaking banta sa seguridad ngayong holiday season.
Ayon kay AFP Spokesperson Col Francel Padilla kasalukuyang nasa heightened alert ang militar.
Pinalakas din ng militar ang kanilang suporta sa iba pang law enforcement agencies, upang matiyak ang payapang pagdiriwang ng pasko.
Sinabi ni Padilla, na may mga sundalo ang naka deploy sa mga cehckpoints at tumutulong din ang mga ito sa pagbabantay sa mga pantalan, bus stations, at maging sa mga mall.
Sa kabila ng kaunting bilang, naka bantay din ang AFP sa mga communist insurgents group o NPA ito ay kahit wala na silang kakayanang maglunsad ng malaking operasyon.
Gayunpaman hindi minamaliit ng militar ang kanilang pwersa dahil maaari pa ring magsama-sama ang mga grupo at manggulo sa isang lugar.
Samantala, sa kabila ng pagdiriwang ng pasko, sinabi ni Padilla na nakatutok pa rin ang militar sa kanilang misyon lalo na ang pagbabantay sa teritoryo ng ating bansa partikular ang bahagi ng West Philippine Sea.