-- Advertisements --

Naka-alerto ang buong pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa buong bansa ngayong Holy Week.

Ito’y kahit walang namomonitor na “specific threat” ang militar ngayong Semana Santa.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief, Lt. Col. Emmanuel Garcia, na may mga standby force na nakahandang ideploy sa sandaling kakailanganin.

Tiniyak ng militar na hindi nila hahayaan na makapag hasik ng karahasan ang mga masasamang indibidwal ngayong panahon ng Kwaresma.

Inihayag din ni Garcia na importante pa rin ang kooperasyon ng komunidad para mapanatili ang peace and order.

Nanawagan ang militar sa publiko na agad ipagbigay alam sa mga otoridad kapag may mga kahina hinalang mga indibidwal sa kanilang mga lugar.

” We recognize the importance of the help of our citizens and the community against the enemies of peace. We call on our people to be part of the security net to detect, deter and frustrate any move by criminals and terrorists,” bahagi sa official statement ng AFP ngayong Holy Week.