Aminado si AFP chief of staff General Eduardo Ano na hindi na bago para sa militar kung maghahasik ng karahasan ang rebeldeng New Peoples Army (NPA) kasabay sa paggunita ng kanilang ika-48 anibersaryo ngayong araw.
Sinabi ni Ano na ang paglulunsad ng NPA ng mga pag-atake ay sagisag ng kanilang anibersaryo.
Inalerto na rin ni Ano ang tropa ng militar para maiwasan ang anumang planong karahasan na ilulunsad ng rebeldeng komunista.
Hamon ni AFP chief sa liderato ng NDF na kontrolin ang kanilang mga armadong tauhan bilang patunay na sinsero ang komunistang grupo sa isinusulong na peace talks ng pamahalaan.
Binatikos naman ni Ano ang pagkakasangkot ng NPA sa extortion activities, panununog ng mga establishments, construction equipment at iba pang mga atrosidad.
Ayon kay AFP PAO chief Col. Edgard Arevalo na magandang pagkakataon umano ang anibersaryo ng NPA ngayong araw sa gitna ng nalalapit na paggunita ng semana santa, para magnilay nilay ang mga ito.
Sinabi ni Arevalo na sakto ang okasyong ito para pagnilayan ng NPA ang kanilang existence.
Pursigido ang tropa ng pamahalaan nai-neutralize ang mga rebelde.