-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nakaalerto ngayon ang militar sa posibilidad na retaliatory attack ng Dawlah Islamiya- Hassan Group makaraang mapatay sa engkwentro ang isa nilang kasamahan sa Maguindanao del Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal Brigadier General Oriel Pangcog,Commander ng 601st Brigade Philippine Army, ang nasawi ay kinialang si Mermo Mling na kasapi ng nasabing grupo.

Ayon kay General Pangcog, sumiklab ang labanan sa pagitan ng 40Infantry Brigade Philippine Army at iba pang mga operating units sa ilalim ng Joint Task Force Central sa Sitio Mayan, Brgy Labu labu II, Datu Hoffer, Maguindanao del Sur.

Sinundan naman ito ng engkwentro sa Barangay Poblacion, sa bayan ng Ampatuan kung saan ang mga teroristang grupo ay pinamumunuan umano ni Nasser Guinaed na naging dahilan ng pagkasawi ng isa nilang kasama.

Sa isinagawang pagsisiyasat sa lugar natagpuan ng tropa ng militar ang katawan ng nasabing nasawing terorista na iniwan na lamang ng kanyang mga kasamahan.

Narekober din ng militar ang 2 improvised explosive device(IED) at mga matataas na kalibre ng baril. Gaya ng M14, M79, at Caliber .45.

Sa ngayon, ipinasiguro ng opisyal na nakaalerto 24/7 ang mga sundalo upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan sa posibleng pag-atake ng nabanggit na grupo.