-- Advertisements --

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na naka standby na ang kanilang mga air assets para maghatid ng mga relief goods at iba pang mga supplies na maaapektuhan ng Super Typhoon Leon.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, nakahanda na ang mga nasabing air assets at sa katunayan naikarga na ang mga relief goods at supplies at maari ng lumipad sa sandaling gumanda na ang panahon.

Sinabi ni Padilla na makakaasa ang publiko na ang AFP ay masasandalan sa panahon ng pangangailangan.

Inihayag din ni Padilla na malaking tulong ang mga aircraft mula sa Indonesia, Brunei, C130 ng Singapore at Eurocopter 725 ng Malaysia sa paghahatid ng tulong sa mga kababayan natin.

Kahapon, Miyerkules dalawang Indonesian aircrafts ang H225M at MI17V5 helicopters, Brunei C295 ang dumating sa bansa para tumulong sa nagpapatuloy na rescue and relief operations sa mga lugar na hinagupit ng Bagyong Kristine.

Pinasalamatan ni Padilla ang mga banyagang bansa sa kanilang tulong.