-- Advertisements --

Lt. Gen. Felimon Santos Jr AFP
AFP chief Gen. Felimon Santos Jr.

Nakakuha ng 90 percent satisfaction rating ang Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil sa pagtugon nito sa COVID-19 pandemic sa bansa.


Dahil dito, lubos na ikinagalak ng liderato ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang ulat.

Ang resulta ay baty sa isinagawang survey ng RLR Research and Analysis Incorporated mula May 14 hanggang June 2, 2020 sa 1,275 household sa Metro Manila sa pamamagitan ng Computer-Assisted Telephone Interview.

Ilan sa mga ginawang hakbang ng AFP sa kasagsagan ng pandemya ay ang libreng pakain sa 70,000 indibidwal, pagkakaroon ng Quarantine Assistance Stations, pagtayo at pangangasiwa sa emergency quarantine facilities at libreng transportasyon sa mga pasahero.

Gayundin ang pagtulong sa 2,400 locally stranded individuals at pagdadala ng mahahalagang cargo sa pamamagitan ng Philippine Air Force (PAF) aircraft at mga barko ngPhilippine Navy.

Maliban sa AFP, nakakuha ng 88 percent satisfaction rating ang PNP, 74 percent ang IATF, 68 percent ang DOH, 59 percent ang DSWD at 45 percent ang DOLE.

Siniguro naman ni AFP chief of staff Gen. Felimon Santos Jr., ang ayuda at suporta ng militar sa mga kababayanan natin lalo na nasa Covid-19 pandemic pa rin ang bansa.

” The AFP understand the weight that is being carried by every Filipino in these trying times. Rest assured that, soulder to shoulder, we will overcome this pandemic and stand up better and more resilient, ” pahayag ni AFP Chief Gen. Santos.