-- Advertisements --

Kinumpirma ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may natanggap na silang ulat hinggil sa bilateral China-Russia exercise na ginaganap sa bahagi ng Philippine Sea.

Ayon kay AFP Public Affairs Office (PAO) Chief Col. Xerxes Trinidad, mahigpit na minomonitor ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang mga ginagawang aktibidad ng dalawang bansa sa high seas.

“We have received reports of a bilateral China-Russia exercise in the Philippine Sea. What they do in the high seas is being monitored,” pahayag ni Col. Trinidad.

Sinabi ni Col. Trinidad na ang AFP ay nakatuon sa pagtiyak ng kapayapaan at katatagan sa rehiyon ng Indo-Pacific.

Ayon kay Trinidad patuloy nilang susubaybayan ang sitwasyong ito upang matiyak na hindi malalabag ang mga karapatan ng soberanya ng Pilipinas.

Binibigyang-diin ng AFP ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

Panawagan ng Pilipinas sa lahat ng partido na sumunod sa mga internasyonal na batas at pamantayan.

Sa kabilang dako, iniulat na dineploy ng China’s Peoples Liberation Army Navy ang Shandong Chinese carrier strike group sa mataas na karagatan ng Pilipinas.

Habang ang Russia ay nagpadala rin ng kanilang corvettes.

” The AFP is committed to ensuring peace and stability in the Indo-Pacific region. We will continue to monitor this situation to ensure PH sovereign rights are not violated. We emphasize the importance of maintaining peace and stability in the region and urge all parties to adhere to international laws and norms,” mensahe ni Col. Trinidad.