-- Advertisements --

Nakiisa ang AFP sa pagdiriwang ng International Humanitarian Law (IHL) Month, na may temang “Upholding the Law of Armed Conflict amidst the COVID-19 Pandemic: Protecting Humanity for Healing and Recovery”.

Si AFP Center for Law of Armed Conflict (AFPCLOAC) Director Brigadier Jose Alejandro Nacnac ang kumatawan kay AFP Chief of Staff Lt. Gen. Jose Faustino sa virtual Ceremony na ginawa ngayon umaga bilang bahagi ng pagdiriwang.

Ang aktibidad ay kinatampukan ng “recitation of the Pledge of Commitment to IHL” ng Human Rights Officers at tauhan ng AFP.

Sinuguro naman BGen. NacNac na nagpatupad na ng mga polisiya ang AFP para sa “enforcement” ng IHL sa loob ng organisasyon.

Kabilang dito ang direktiba ni Lt. Gen. Faustino na aktibong pagpapatupad ng Republic Act 9851, o ang “law penalizing war crimes and violations of IHL, Genocide and Crimes against Humanity.”

Kabilang pa sa mga direktiba ng Chief of Staff ang guidelines sa pagsasampa ng IHL at kriminal na kaso laban sa non-state armed groups, partikular ang communist terrorist groups at lawless terror groups; at ang masusing pag-monitor at pag-report sa IHL violations para sa epektibong pag-prosecute sa mga lumalaban sa IHL.