Nakikiisa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa bawat Pilipino sa buong mundo sa paggunita ng Human Rights Day.
Ayon kay Public Affairs Office chief Navy Capt. Jonathan Zata na patuloy na itinataguyod ng AFP ang karapatang pantao at mga prinsipyo nito sa pagganap ng kanilang tungkulin, sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Zata ang pagpasa ng Universal Declaration of Human Rights, ay sisiguro sa “accountability” ng AFP sa pangangalaga sa karapatang pantao partikular sa labanan.
Nanawagan si Zata sa lahat na makiisa sa AFP sa pagtakwil sa radikalisasyon at pagsisikap na matamo ang isang patas na pagwawakas ng karahasan.
Dagdag ni Zata, ang seguridad ay responsibilidad ng lahat,at sa pamamigitan ng kooperasyon ang bawat isa ay maaring maging tagapagtaguyod ng karapatang pantao at tagapamayapa.