Muling iginiit ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na nananatili ang kanilang hanay na matatag at propesyonal.
Ginawa nito ang pahayag kasunod ng mga nagiging ingay ngayon sa pulitika sa bansa matapos na dalhin si dating Pangulong PRRD sa The Hague, Netherlands.
Sa isang pahayag ay sinabi ni AFP Spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla na walang mga tropa ng AFP ang nagpahayag ng kanilang mga saloobin online.
Kaugnay nito ay pinaalalahanan ng opisyal ang publiko na huwag maniniwala sa mga unverified sources.
Mas mainam aniya na suriing mabuti ang mga impormasyon makikita online para hindi mabiktima ng fake news.
Tiniyak rin ni Padilla na hindi na nila kailangan pang magpatupad ng loyalty check sa kanilang hanay sa kabila ng mga usaping ito.