-- Advertisements --

Mananatiling tapat sa Konstitution ang Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito ang tiniyak ni AFP Deputy Chief of Staff Lt. Gen. Jimmy Larida sa gitna ng political noise matapos maaresto si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa press briefing sa Malakanyang, binigyang-diin ni Larida na hindi magpapadala sa ingay sa pulitika ang militar.

Iginiit ni Larida na ang marching orders ni AFP Chief Gen. Romeo Brawner Jr. sa mga field commanders ay manatiling tapat sa watawat ng Pilipinas at gawin ang trabaho nang naaayon sa Saligang Batas.

Sa usapin naman ng posibleng protest rallies ngayong Biyernes, kasabay ng kaarawan ni dating Pangulong Duterte, sinabi ni Larida na kung hihilingin ng Philippine National Police (PNP) ay nakahanda silang umagapay sa usapin ng law enforcement dahil isa ito sa mandato ng AFP.

Ngunit nilinaw naman ni Larida sa operational at iba pang tactical matters ay wala siyang awtoridad na magsalita tungkol dito.