Nananawagan ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa publiko ng mga relief goods na ipamamahagi sa mga evacuees sa Cagayan at Isabela na apektado ngayon ng malawakang pagbaha.
Ayon kay AFP Spokesperson Maj. Gen. Edgard Arevalo, maaaring dalhin sa ibat-ibang military camps ang mga donasyong relief goods para sa mga kababayan natin sa Cagayan at Isabela.
Sinabi ni Arevalo, relief at food packs ang kailangan ngayon ng ating mga kababayan.
Binigyang-diin ni Arevalo na bukod sa isinasagawa nilang relief assistance, nagpapatuloy pa rin ang kanilang water, search and rescure operation.
Aniya, ipinakalat na sa ibat ibang bahagi ng Cagayan at Isabela ang kanilang mga search and rescue team.
Sa datos, ng AFP nasa 24 ang naitalang nasawi habang 13 ang nawawala o missing dahil sa Bagyong Ulysses.
Lahat ng units ng AFP ang tulong-tulong sa isinasagawang water, search and rescue operations sa Cagayan at Isabela.
Naka-mobilized na rin ang kanilang mga land, water and air assets sa lugar.