Humihingi ng hustisya ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagpatay ng mga rebeldeng grupo sa isang sundalo na nagsasagawa lamang ng humanitarian mission sa Capiz.
Ayon kay Col. Ramon Zagala, ang tagapagsalita ng AFP, na kabilang sa community support mission si Cpl. Frederic Villasis ng ito ay brutal na pinaslang ng mga rebelde.
Nagsasagawa lamang kai ng follow-up lamang si Villasis sa mga hiling na suplay ng tubig ng mga tao sa Brgy. Lahug ng mangyari ang insidente.
Ang nasabing proyekto kasi ay bahagi ng community support program ng AFP.
Binihag ng mga rebelde si Villasis at ilang mga opisyal ng mga barangay noong Agosto 11.
Pinakawalan nila ang mga sibilyan at iniwan ang sundalo na itinali ang kamay sa likod at ito ay pinagbabaril.
Sinabi p ani Zagala na ang pagpatay kay Villasis ay karagdagang krimen na ginagawa ng mga rebeldeng grupo.