Nanawagan ang Armed Forces of the Philippines sa publiko na alalahanin rin ang mga sundalong nasawi dahil sa pagtatanggol sa bayan ngayong Undas.
Ayon sa AFP, naway ang paggunita sa Undas ay maghatid ng kapayapaan at reflection sa mga pamilya ng mga namayapang sundalo bilang pagbibigay pugay sa kanilang mga kaluluwa.
Umaasa rin ang AFP , na mananatili sa alala ang mga namayapang sundalo, sailor, marine at airmen/airwoman.
Kahapon ay nagsagawa ng programa ang Philippine Army sa libingan ng mga bayani sa Taguig City para bigyang pugay ang mga bayani at sundalong nagbuwis ng buhay.
Ayon kay Col. Louie Dema-ala , tagapagsalita ng PA, ang naturang seremonya ay tribute sa mga bayani na nag-alay ng kanilang sariling dugo para sa kapayapaan at kalayaan.
Tiniyak naman ng PA na buo ang suporta nila sa PNP para matiyak ang kaligtasan sa buong pag obserba sa Undas ngayong taon.