Naka-alerto ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kasunod ng posibleng paglunsad ng pag atake ng CPP NPA sa pagdiriwang nila ng kanilang ika-49th anniversary ngayong araw.
Aminado si AFP Acting Spokesperson Col. Edgard Arevalo, na karaniwan ng ginagawa ng CPP NPA na kanilang sinasabayan ng pag atake ang kanilang selebrasyon kaya nasa defensive mode ngayon ang sandatahang lakas ng Pilipinas.
“The AFP is on full alert and vigilant for possible CPP-NPA attacks on our people and vulnerable communities.Their celebration is usually accompanied by armed attacks against the people that reflect the CPP-NPA’s true color as a criminal organization void of any ideology,” pahayag ni Arevalo.
Dagdag pa nito, nawala na ang ideogical mooring ng CPP-NPA-NDF at lahat ng mga ginagawang aksyon ng komunistang grupo ay kagagawan na ng isang terrorist organization.
Panawagan ng militar sa mga miyembro nito na mag-isip at bukas ang pinto ng pamahalaan para sa kanilang pagsuko at para magbagong buhay upang sa gayon ay makapamuhay ng normal at makapiling ang kani-kanilang pamilya.
Tiniyak naman ni Arevalo na tatalima ang AFP sa idineklarang suspension of military operations (SOMO) ng pamahalaan.
Binigyang-diin ni Arevalo na mananatili sa active defense posture ang mga sundalo sa buong bansa para mapigilan ang anumang planong pag atake na ilulunsad ng CPP-NPA.
“The AFP will abide by the government’s SOMO and will maintain active defense posture nationwide to thwart any atrocity, deception, and sabotage that the CPP-NPA is planning to stage,” pahayag ni Arevalo.