-- Advertisements --

Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na layon ng kanilang isinasagawang background check o intelligence gathering sa mga kandidato sa halalan ay para tulungan ang Commission on Election (Comelec) na masiguro ang integridad ng electoral process at protektahan ang national security.

Ito’y matapos kumpirmahin ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner na nagsasagawa sila ng background check sa mga kandidato sa 2025 midterm elections.

Ayon kay Brawner iniwasan na ng pamahalaan ang nangyari sa nakaraang halalan.

Giir ni Brawner, parte din aniya ito sa mga paghahanda na isinasagawa ng militar para sa nalalapit na midterm elections lalo na kung mayruong potensiyal na interference mula sa mga “foreign actors”.

Inihayag ni chief of staff na kapag may nakita silang kandidato na nasa kategorya na “red flags” kanila itong irereport sa Comelec.

Paliwanag naman ni AFP Public Affairs Office (PAO) Chief Col. Xerxes Trinidad na katuwang nila ang PNP at COmelec sa nasabing hakbang at nakatutok ito sa mga potensiyal na banta sa seguridad at panghihimasok ng dayuhan na magdudulot ng masamang impluwensya.

Binigyang-diin ni Trinidad na ginagawa lamang ng militar ang kanilang trabaho at mananatiling non-partisan ang AFP sa electoral process.