-- Advertisements --

Iginiit ng Armed Forces of the Philippines na wala silang umiiral na patakaran na pumipigil sa “freedom of expression” sa mga sibilyan sa Pilipinas.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. , kabilang na rito ang mga pamilya ng kanilang mga tropa sa social media.

Binigyang diin ni Brawner na tinututukan ng AFP ang pagpapalakas ng kanilang mga tropa sa usapin ng disiplina, propesyonalismo.

Prayoridad rin ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang bawat misyon ng kanilang mga sundalo.

Naniniwala rin si Brawner sa kahalagahan ng internal engagement para mas lalong mapatatag ang core values maging ang operational effectiveness ng kanilang mga tropa.

Aniya, iginagalang ng AFP ang bawat karapatan ng mga mamamayang Pilipino sa pagkakaroon ng kalayaan sa pagpapahayag ng kanilang mga saloobin at opinyon.