-- Advertisements --

Dumistansiya ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagbibigay ng komento kaugnay sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kung bababa siya sa puwesto, nais nito na ang papalit sa kaniya ay ang military junta.

Mas gusto raw kasi ng pangulo na ibigay sa militar ang liderato imbes kay Vice President Leni Robredo.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo, kanila nang ipinauubaya sa Malacañang ang pagbibigay ng pahayag ukol dito.

“I do not want to comment diyan kasi it’s the president who said it so I think he’s the best person to answer that or make clarifications or statements about that, probably the presidential spokesperson, I hope you understand,” wika ni Arevalo.

Dagdag pa ni Arevalo, “This is something that the president which the president was the one who said it, so kung ano yung mga circumstances, kung sinabi nya ‘yun, what are the circumstances why he said that he is the best person to answer and his spokesperson.”

Nakahanda naman magsalita si Arevalo kung bibigyan na siya ng authority para makapagsalita ukol sa isyu.