-- Advertisements --

Muling binigyang-diin ng mga matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang loyalty sa Constitution at maging sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ginawa ng mga ito ang pahayag ng mag courtesy call ang mga ito ay House Speaker Martin Romualdez kahapon sa Kamara.

Ayon kay AFP Deputy Chief of Staff LtGen. Jimmy Larida na sila ay nangangako na Constitution at ang duly-constituted authorities.

Sa panig naman ni Lt Gen. Ferdinand Barandon, commander ng AFP Intelligence Command kaniyang binigyang diin na tapat ang militar sa konstitusyon , manatiling propesyunal at mission focused.

Kasama sa nag courtesy call kay speaker ang 17 newly promoted generals at senior flag officers.

Una ng tiniyak ni Speaker martin Romualdez ang suporta sa AFP lalo na sa kanilang 2025 budget at ang P350 daily subsistence allowance.