-- Advertisements --

Tiniyak ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na kanilang paiigtingin ang pagsasagawa ng search, rescue, at relief efforts sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Kristine at naapaketuhan ng bagyong Super Typhoon Leon.

Ginawa ng AFP ang naturang pahayag kasunod ng banta ng Super Typhoon Leon sa ilang lugar sa hilagang bahagi ng Luzon partikular na sa lalawigan ng Batanes.

Sa isang pahayag, sinabi ni AFP Spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla, sa ngayon ay naka deploy na ang kanilang 2,690 Search, Rescue and Retrieval Team.

Bitbit ng naturang grupo ang aabot sa 4,900 na mga kagamitan.

Kaugnay nito ay nanindigan ang AFP na hindi sila titigil sa pagharap sa anumang kalamidad para iligtas ang mga nangangailangan na Pilipino.