Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines na patuloy silang nakabantay sa kabuuang 403 lungsod at bayan sa bansa na nasa ilalim ng ‘areas of concern’ na unang ideneklara ng Commission on Elections para ngayong nalalapit na 2025 midterm elections.
Sa isang pahayag ay sinabi ni AFP Spokesperson, Colonel Francel Margareth Padilla, katuwang nila ang COMELEC at ang Philippine National Police (PNP) sa pagbibigay ng seguridad ngayong halalan.
Layon ng hakbang na ito na tiyakin ang seguridad sa mga natukoy na lugar partikular na ang mga nasa ilalim ng yellow, orange at red category.
Sa kasalukuyang datos ng COMELEC, aabot sa 49 na lugar mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang nasa ilalim ngayon sa yellow category.
Aabot naman sa 53 luga mula sa Regions 8,9,10,12, CAR at CARAGA ang nasa orange category at 38 na lugar naman mula sa Regions 2,5,6,8 at BARMM ang isinailalim ng Comelec sa red category.
Kaugnay nito ay kinumpirma ni FP Spokesperson, Colonel Francel Margareth Padilla na aabot sa 18,000 sundalo ang nakahandang umalalay sa PNP at COMELEC.