Tiniyak ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na patuloy nilang babantayan ang teritoryo at soberanya ng bansa.
Kaugnay nito ay minomonitor rin nila ang mahigit 200 na Chinese vessels sa bahagi ng West Philippine Sea na itinuturing na pinakamaraming bilang ng mga barko ng China sa WPS na naitala ng mga otoridad.
Batay sa datos, mula Agosto hanggang Setyembre 2, aabot sa 165 na Chinese maritime militia vessels , 24 China Coast Guard vessels, 12 People’s Liberation Army Navy ships at dalawang research vessels sa naturang lugar ang naitala.
Ayon sa AFP, karamihan sa mga barkong ito ay naispatan sa Escoda Shoal na kung saan dito nagaganap ang mga panghaharas ng China.
Kabilang sa mga hinarass na barko ng Pilipinas ay ang BRP Teresa Magbanua in Escoda Shoal,BRP Datu Sanday at iba pang sasakyang pandagat ng bansa .
Ang naturang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa ay dahil na rin sa patuloy na malawakang pag-angkin ng China sa West Philippine Sea.
Taong 2016 ng manalo ang Pilipinas sa international arbitration tribunal patunay na ang teritoryo ay pag-aari ng bansa.