Tuloy na ang pagsasanib pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa operasyon kontra iligal na droga.
Kanina pinirmahan na ang Joint Memorandum of Agreement ng AFP at PDEA na pinangunahan mismo nina AFP chief of Staff General Eduardo Ano at PDEA Director General Isidro Lapena.
Ngayong pirmado na ang MOA, makakatuwang na ng PDEA ang AFP sa paglunsad ng operasyon laban sa mga malalaking drug syndicate sa bansa.
Ayon kay AFP chief of staff General Eduardo Ano na sesentro rin aniya ang operasyon sa bahagi ng Central Mindanao kung ang mga sindikato ng iligal na droga ay armado ng mga matataas na kalibre ng armas at may mga private armed groups.
Naniniwala si Ano na kayang tapatan ng AFPMat PFEA ang mga matataas na kalibre na armas ng mga sindikato sa central mindanao.
Tiniyak ni Ano na may sapat na tauhan at gamit ang AFP para sa mas maigting na operasyon kontra droga ito ay sa kabila na nagpapatuloy ng focused military operation laban sa Abu Sayyaf Group npa at iba pang local terrorist group.