-- Advertisements --

Pinag-aaralan na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang lahat ng opsyon sa pagbili ng multi-role fighter jets.

Ayon kay AFP chief of staff Gen. Romeo Brawner Jr., kailangan ng militar ito para mapahusay pa ang kakayahang pandependa ng bansa.

Ito man ay F-16, Gripen o anumang klase ng multi-role fighters.

Nauna ng inaprubahan ng US Congress ang posibleng pagbenta ng $5.58 billion na halaga ng 20 F-16 fighter jets para sa Pilipinas

Ikinalugod naman ito ng panig ng PH subalit ayon kay Gen. Brawner wala pang pinal na desisyon ang AFP at ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa kung anong klase ng multi-role fighter aircraft ang bibilhin ng Pilipinas dahil ikinokonsidera ang laki ng pondo.

Samantala, ayon sa AFP chief nasa pipeline na ang pagbili ng 12 karagdagang FA-50 lead-in trainer fighter jets.